Ang Gayuma o love potion ay ginagamit upang makapang-akit at mapa-ibig ang isang tao, gayong hindi naman ito gusto ng taong ginagayuma. Ang panggayuma ay ay kadalasang inihahalo sa inumin o pagkain ng gagayumahin. Maaari rin itong pag-usal ng orasyon o dasal o inihahalo sa pabango. Ito ay magiging mas mabisa kung lubos ang paniniwala ng nanggagayuma sa kapangyarihan nito.